Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABIL
ni John Fontanilla

MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa isang matinik na misis.

Sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 mediacon, sinabi rin ni Sen Bong na  kanyang asawang si Lani Mercado ang matinik na misis.

Aniya, “Ang matinik na misis sa akin ay iyong matalino, mapagmahal, may puso, at sensitive sa lahat ng mga ginagawa ko.

“Iyon ang isang matinik na misis para sa akin. Si Lani iyon ‘di ba?”

Wala rin itong nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis dahil nagpapakita lang ‘yun ng respeto at pagmamahal.

Alam mo iyong ganoon, katulad ko, ‘pag mahal mo ang asawa mo, gagawin mo ang lahat para mapaligaya siya.

 “Iyon lang ‘pag selosa, ‘di ba? Katulad naman ni Tolome, eh kasigaw-sigaw na Tolome iyon dahil medyo pilyo. Sa akin, it’s happy wife, happy life,”  pagbabahagi ni Sen Bong.

Nagpapasalamat ang Tinatanic Star dahil masuwerte at maganda ang kanyang 2024  sa dami rin ng blessings na natanggap.

Sobrang full of blessings ang taong 2024 para sa akin. May anak ako na naging doctor, may naging abogado. Naging lolo muli sa ikawalong pagkakataon and gumaling ang tuhod ko,” sabi pa.

Pero hindi itinago ni aktor/politiko na sobrang na-miss niya ang paggawa ng pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival.

Sobrang nami-miss ko ang MMFF lalo na ngayon na 50th year nila. Kaso nga ‘di na tayo aabot kung gagawa tayo ng ‘Alyas Pogi.’

“Pero nakita n’yo naman sa scenes ko rito sa ‘Walang Matigas na Pulis’ after gumaling ng achilles tendon ko, nakakatalon na ako, nakakatakbo na. 

“Binigyan na ako  ng doktor ng go signal, I can do anything,” pagbabahagi pa ng senador.

Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 ay mapapanood simula Disyembre 22, 7:15 p.m. sa GMA 7. Mula sa direksiyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen, kasama rin sa cast sina Beauty Gonzalez, Leo Martinez, Jillian Ward, Faith Da Silva, Gloria Diaz, Jay Manalo, Joko Diaz, Sid Lucero, Ryan Eigennman, Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Liezel Lopez, Nino Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Raphael Landicho atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …