MATABIL
ni John Fontanilla
PARANG sumakay ka sa rollercoaster kapag pinanood mo ang pelikulang The Last 12 Days dahil sa iba’t ibang emotions na mararamdaman mo. Nariyang mapaluluha ka, matatawa, mapapangiti, at mai-inspire.
Ang pelikula ay kuwento ng pagmamahalan at journey nina Daniel (Akihiro Blanco) at Camille (Mary Joy Apostol) na parehong napakahusay sa pelikula.
Ang The Last 12 Days ay hatid ng Blade Entertainment para sa kanilang 20th anniversary, sa direksiyon ni CJ Santos.
Ayon kay Robert S. Tan, BLADE CEO, This film represents more than just a story, it’s a celebration of love, life, and the unbreakable human spirit.”
Ang The Last 12 Days ay napapanood na sa 80 countries via Viva One.