MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang kauna-unahang Celebrity Golf Tournament na proyekto ng MMDA/MMFF na pinangunahan ni Chairman Romando Artes para sa pagdiriwang ng 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Wack-Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City noong Martes.
Unang pumalo sina Chairman Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora bilang hudyat ng pagsisimula ng mga manlalarong artistang may entry sa 2024 MMFF.
Nakibahagi si Cristine Reyes na kasama sa pelikulang The Kingdom ng kasama ang actor at boyfriend nitong si Marco Gumabao.
Naglaro rin sina Atoy Co, Paolo Paraiso (Topakk), Jayson Gainza, Epi Quizon, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Cesar Montano, Vince Hizon, at asawang Patricia Bermudez Hizon, Daisy Reyes, L.A Tenorio atbp..
Sinabi ni Chairman Artes na masaya siya
dahil sa suporta ng mga artista at producers
sa kauna-unahang Celebrity Golf Tournament na parte rin ng promotion ng 10 pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival.
Isa sa producer na dumalo si Bryan Diamante ng Mentorque Productions para sa pelikulang Uninvited.
Nagsilbing host naman noong gabi si Enchong Dee (ng Topakk handog ng Nathan Studios), at ang Reo Brothers band naman ang special guest.
Pinasalamata ni ChairmanArtes ang mga sponsor nila sa kanilang project tulad ng GSIS, PAGCOR, PCSO, ISWIMS, Phileco, Agyaman Smoked Meats, Angkasangga Partylist, Boysen, Cignal, CMB, Converge, CWS Partylist, Easy Life, Haws Health and Wellness Shop, InfiniVan, Infobahn, Insuplus, Leonel Waste Management, Manila Teachers Partylist, Maynilad, Mowelfund, Playtime, PowerUp, Remedi, Shantal’s Beauty and Wellness Products, STX CleanLeaf, TV5, Woodfields Consultant Inc., at Yakult.
Samantala, mapapanood ang 10 pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival simula sa December 25 hanggang January 7, 2025.