MATABIL
ni John Fontanilla
TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na singer, songwriter, at abogado na si Jimmy Bondoc. Tatakbo ito bilang senador sa darating na election.
Si Jimmy ay kilalang loyal supporter nina dating pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Bise Presidente Sarah Duterte na ngayon ay parehong nasasangkot sa kontrobersiya na maaring maka-apekto sa kanyang kandidatura.
“I’m running on a campaign of principle! Hindi po ito loyalty sa mga pangalan kung hindi loyalty sa mga prinsipyo.
“Right now ang mga prinsipyo ko ay talagang align naman sa mga Duterte. Rito sa mga recent na bangayan, nakatutulong po sa awa ng Diyos ‘yung nag-abogado ako and tinitingnan ko ‘yung legal aspect para malayo sa politika.
“At sa legal aspect, hindi ako nagsalita, hindi ako nag-post until dumating si Atty. Zuleika Lopez at mula roon sa contempt, na roon palang talagang takang-taka na ako sa grounds niyong contempt.
“Biglang in the middle of the night pinalilipat sa Women’s Correctional. Hindi ko po talaga matanggap ‘yon.
“So in terms of loyalty, I’m not loyal to families, I’m loyal to principles, and in terms of law.
“Ang ipinaglalaban ko rito is hindi ‘yung bangayan nila kung hindi ‘yung ‘wag naman po natin basagin ang mga batas natin para lang sa politika.
“Sana naman po sundin natin ang due process,” susog pa ng abogadong singer.
Masaya naman nitong ibinalita na ikakasal na siya sa kanyang lawyer girlfriend sa February 2, 2025 na gaganapin sa Manila Cathedral at ang reception ay sa Manila Hotel.
Suportado si Jimmy ni Atty. Rey Bergado at ng grupo nitong Innervoices.