Wednesday , December 4 2024
Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa pagka-alkalde ng lungsod ng Parañaque, sa May 2025 local elections. Makakalaban ni Kuya Edwin ang kanyang hipag na si Ailyn Olivarez. Makababasag kaya ng boto si Ailyn kay Kuya Edwin?

Ang maganda si vice-mayoralty candidate Benjo Bernabe ay sinusuportahan si Kuya Edwin gayong nasa tiket o partido ni Kuya Edwin ay si incumbent Vice Mayor Joan Villafuerte.

Desisyon ‘yan ni Benjo Bernabe kaya bitbit  niya ang name ni Kuya Edwin ‘pag may nagtatanong kung sino ang meyor niya at ikinakampanya sa kanyang pag-iikot ang pangalan ni Kuya Edwin.

Si Benjo ay anak ni three-time Mayor Jun Bernabe na ngayon ay nasa  tanggapan ng DILG. Kung magkakasama ang Olivarez at Bernabe, isang magandang indikasyon ito na ang dalawang apelyido ay magkakaisa na.

E ano ngayon kung lesbian si VP Sara at dyowa niya si COS Zuleika Lopez?

NARINIG ko lang ang ‘marites’ na ito sa sikat na brodkaster at kolumnista na si Mon Tulfo, isang Davaoeño, na may relasyon umano sina VP Sara Duterte at VP Chief of Staff nitong si Zuleika Lopez at matagal na raw magkasintahan.

         Ang sa akin lang, e ano ngayon? Wala naman tayong pakialam sa sexual preferences nila, dahil ang isyu rito, saan nila dinala ang pondo ng bayan na kay bilis-billis nilang lustayin? Mula noong nasa Davao sila, sa Office of the Vice President, at sa Department of Education (DepEd).

         Conjugal na paglulustay ba ang diskarte nila?

         Kaya sana naman, hindi masayang ang ginagawang imbestigasyon ng Quad Comm. Maging matibay sila laban sa tinaguriang ‘mad vloggers’ na pinopondohan ng malalaking sindikato ng ilegal na droga at POGO

Nakahihiya na ang kasalukuyang mga lider ng bansa, sila-sila ang nag-aaway, walang maipakitang mabuting ehemplo sa mga kabataan.

Kumbaga nandito tayo sa panahon na wala na tayong mapiling matinong lider na puwedeng ihalal.

Sabi nga ng mga human rights activists, ‘yan ang malaking kasalanan ni Ferdinand Marcos, Sr., sa bayan, sa panahon ng kanyang diktadura pinaslang ang mga potensiyal na maging mabuting lider ng bansa, kaya ang pinagpipilian natin ngayon, kung hindi ‘substance (not substantial) lifestyler’ ay hoodlum at basagulerang ‘spoiled brat’.

Tsk tsk tsk.

About Amor Virata

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …