Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maymay Entrata John Arcenas Kate Yalung

John sinuportahan ni Maymay 

MATABIL
ni John Fontanilla

STAR STUDDED at napaka-successful ang katatapos na premiere night ng Idol: The April Boy Regino Story na ginanap sa Great Eastern Hotel, Quezon City.

Sobrang saya ng lead actor na si John Arcenas na ‘di daw maiwasang kabahan sa magiging review ng mga enterainment at ibang celebrities at special guests sa pagganap bilang April Boy Regino.

Ani John, “Kinakabahan ako sa reviews ng mga press people at ng mga taong nandoon at napanood ‘yung movie.

“Pero at the same time excited kasi siyempre po bunga ‘yun ng pinaghirapan namin, ibinuhos ko ang lahat para sa movie namin,” anang binata. 

Pero after ipalabas ang movie ay nakahinga ng malalim si John dahil sa magandang feedback sa acting.

Pero ang saya ko kasi may mga taong naka-appreciate ng acting ko.

“Sobrang saya ko ‘di po ako makapaniwala, kasi maraming critics and gulat ako na-appreciate nila ‘yung acting ko sa mga papuring sinasabi nila sa akin, lalo na ang mga entertainment press.

Sa sobrang saya nga tito para akong sasabog sa kagalakan.”

Sobrang na-touch din ito sa suportang ipinakita ng kanyang kaibigang si Maymay Entrata.

Sobrang touch nga ako sa pagpunta ni Maymay para sumuporta sa movie namin.

“Isa talaga siya sa masasabi kong very supportive kong kaibigan.

Thankful din ako sa mga kasamahan ko sa pangangalaga ni Sir Tyrone Escalante na sina Shaun Salvador, Polo Ravales na pumunta at nanood ng movie. 

“Hopefully marami sanang manood ng movie namin sa Nov. 27.”

Base na rin sa napanood namin, maganda ang pagkakagawa ng Idol: The April Boy Regino Story, mahusay si John bilang April Boy, maganda ang boses niya. Mahusay din si Kate at ang iba pang kasama sa movie na sina Rey PJ Abellana, Tanya Gomez, Dindo Arroyo, Irene Celebre, Aileen Papin, Imelda Papin, Mitoy Yonting, Whitney Tyson, at Kate Yalung.

Ang Idol: The April Boy Regino Story ay mula sa direksiyon ni Efren Reyes, hatid ng Water Plus Productions ni Ms. Marynette Gamboa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …