RATED R
ni Rommel Gonzales
NAKAPAG-CATCH UP up sina Carlo Aquino at Julia Barretto habang ginagawa ang pelikulang Hold Me Close na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival.
Hindi pa ikinakasal sina Carlo at Charlie Dizon noong nag-shoot sina Carlo at Julia sa Japan.
Lahad ni Carlo, “Catch up lang, kasi nga noong time na ginawa namin ‘yung ‘Expensive Candy,’ hindi pa ako kasal.
“Ngayon lang uli kami nagkita na married na ako. So itinatanong niya lang, how’s your married life?
“Noon namang shooting ng ‘Hold Me Close,’ kumustahan, kinukumusta ko si Ge [Gerald Anderson] dahil nakatrabaho ko si Ge.
“Tapos si April [tunay na pangalan ni Charlie] kinukumusta rin niya.”
Ang Hold Me Close ay idinirehe ni Jason Paul Laxamana at mapapanood sa mga sinehan simula December 25.
Ito ay kuwento ni Lynlyn, isang babaeng may kakaibang psychic ability at si Carlo naman ay ang lead male character sa pelikula bilang si Woody.
Samantala, sa tanong kay Carlo kung sino ang nais niyang sabihan ng mga katagang “hold me close,”emosyonal na sinabi ni Carlo na, “‘Yung daughter ko, yeah, si Mithi.”
Si Enola Mithi o Mithi ay ang four-year old na anak nina Carlo at dati niyang partner na si Trina Candoza.