RATED R
ni Rommel Gonzales
BITBIT ng Filipino-Argentinian Chanty Videla ang watawat ng Pilipinas dahil siya ang nag-iisang Pinay na miyembro ng sikat na South Korean girl group na Lapillus.
Pinagkuwento namin si Chanty kung paano siya naging member ng Lapillus.
“Well, our company decided to create an international group.
“The company that handles our group, our management.”
Ang MLD Entertainment na nangangalaga sa kanyang career at ng Lapillus ang tinutukoy ni Chanty.
“They decided to create an international group, kaya po napasali ‘yung mga foreigner just like me na half-Pinay and Argentinian.
“Nag-audition din po ako and mayroon din po kaming members na Japanese and Chinese- American and the rest are Korean.
“So medyo we’re a mix of different countries.”
Ang iba pang miyembro ng Lapillus ay sina Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun.
Dalawang taon na ang grupo.
“Yes, we debuted last 2022 and we debuted with our song called Hit Ya! and Korean song po siya.
“And nakatatlo na po kaming songs so far and hopefully, mayroon po kaming newer songs po in the future and that’s what we’re praying for.”
Mas sikat ba sila sa South Korea kaysa ibang bansa?
“Hindi naman po. I think we have a certain fame naman po in different countries, sa Mexico, sa Japan, sa US.
“Medyo mix po siya, so ‘di ko naman po masasabi na sobrang sikat na kami, kasi baguhan lang po talaga kami and marami pa po kaming pagdaraanan.”
Sikat na South Korean girl group din ang 2NE1 na miyembro si Sandara Park o Dara.
“Ay, ano na po sila, legendary po,” bulalas ni Chanty.
“Na-meet ko po si Ms. Sandara sa promotion po sa Korea, kasi nagkasabay kami ng promotion one time.”
“Nakausap ko po siya.
“Nag-Tagalog po kami. Nag-TikTok pa po kami together, so sobrang saya po ng experience po.”
Sparkle artist na si Chanty ngayon pero hindi siya umalis sa Lapillus.
“Hindi po.”
Mag-aartista lang siya as a solo artist?
“Opo, kasi even before I was in Lapillus, I was already an actress here naman po in the Philippines po.
“Sa ABS po before, baguhan po akong actress before and noong nag-start po ‘yung pandemic, that was the time when the Korean company contacted us and nagkaroon ako ng opportunity na mag-train sa Korea hanggang tuloy-tuloy na po siya na ma-debut sa Korea.
“Kaya both acting and singing po.”
Nasa MAKA si Chanty na teen show ng GMA na kasama rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento,at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.
Bida rin dito si Romnick Sarmenta na kasama rin ang mga kapwa That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano, sa direksiyon ng best-selling author na si Rod Marmol.
Napapanood ito tuwing Sabado, 4:45 p.mz.