MATABIL
ni John Fontanilla
SA paggunita ng ika-140 anibersaryo ng Spoliarium, hatid ng Philippine Stagers Foundation, ang national mobile theater ng Pilipinas, ang musical play na Juan Luna (Isang Sarsuela), mula sa panulat at direksiyon ni Atty. Vince Tan̈ada.
Tumatalakay ang musical play sa buhay na pinagdaanan ng Filipino revolutionist, painter na nanalo ng gold medal noong 1884 Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid, na nagpasiklab ng rebolusyon laban sa Spanish government, sa mga Filipino na naninirahan sa Europa, sa pangunguna nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Trinidad Pardo De Tamera, Gen. Antonio Luna, at Juan Luna.
Ang mga napakagandang awitin ay mula sa komposisyon ng award-winning musical director na si Peter Paul Pipo Cifra.
Ilan sa mahuhusay na aktor na kasama sa Juan Luna , ang Sarsuela sina Atty. Vince (Juan Luna 2), Johnrey Rivas (Juan Luna 1), John Arcenas (Jose Rizal), JP Lopez ( Marcelo H. Del Pilar), Jomar Tanada Bautista (Hen. Antonio Luna), Fidel Redado (Trinidad Pardo de Tavera), Vean Olmedo (Ina), Ms. Adelle Ibarrientos-Lim (Juliana Pardo de Tavera), Yvonne Ensomo (Paz De Tavera), Reign Lanz(Nellie Bousted), Chris Lim (King Alfonso XII), Chin Ortega (Chris’s alternate), De’Rotsen Etolle, Lance Cabradilla (Andres Bonifacio), atbp..
Isa kami sa nakapanood sa unang pagpapalabas ng Juan Luna, Isang Sarsuela na ginanap sa Adamson University last Aug. 30 na maganda ang pagkakagawa at pagkaka-direhe. Ang huhusay ng mga aktor na nagsipagganap, magaganda rin ang mga costume na ginamit na gawa ng ins ng PSF, na si mommy Emy Tañada, habang si OJ Arci naman ang naging punong abala bilang production and stage manager.
Kaya naman abangan ang paglibot ng PSF’s 24th Season, ng Juan Luna, Isang Sarsuela sa buong Pilipinas hanggang August 25, 2025.
Para sa ibang katanungan magtungo sa kanilang FB account (Stagers Channel), email addy ([email protected]), o tumawag sa 09171645078/09566690335