Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ron Angeles Teejay Marquez

Ron Angeles maraming aral na nakuha sa A Journey To Greatness…. The Marcos Mamay Story

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang promising actor na si Ron Angeles na mapasama sa advocacy film na  A Journey To Greatness… The Marcos Mamay Story na idinirehe ni Neal Buboy Tan under Mamay Production.

Ayon kay Ron, “Ang biggest lesson for me tito, is ‘yung ‘pag may tiyaga kang tao at determinado ka walang imposible sa mga bagay na gusto mong maabot sa buhay, gaano man kahirap, ano man ang mga suliranin na makakaharap mo mas lalo kang patitibayin nito to achieve your dream and what you want in life katulad ng ginawa ni Mayor Marcos Mamay.

Mahirap maging mahirap, kaya ‘wag kang papayag na hangang doon kana lang. Lagi mong gawin ‘yung best mo and always ask God for guidance para ma-achive mo kung ano man ang minimithi mo sa buhay,” sabi pa ni Ron.

Ginagampanan ni Ron ang role bilang si Kevin, ang best friend ni Marc (Marcos Mamay) na matalino at handang tumulong sa kaibigan.

Ako po rito si kevin best friend ni Marcos Mamay na ginagampanan ni Teejay Marquez na handa itong tulungan sa abot ng aking makakaya,” kuwento ni Ron.

At ang aral naman na makukuha ng mga manonood sa kanyang role bilang Kevin ay tumulong sa mga kaibigan at ibang tao kahit sa maliit na bagay.

“Kung kaya mong tumulong sa ibang tao ‘wag ka magdalawang isip, kasi minsan ginagamit tayo na kasangkapan ng Diyos para makatulong sa ibang tao.

“‘Yung maliit na tulong natin sa ibang tao malay mo pwedeng makapagpabago ng buhay nila in the future, and hindi ako magsasawa na i-push or palakasin ang loob ng kaibigan ko kung alam ko namang para sa ikabubuti niya ‘yun,” sabi pa ng aktor.

Ang Mamay: A Journey to Greatness….The Marcos Mamay  Story ay pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina Almarinez, Teejay Marquez, Ron Angeles, Polo Ravales, Mohammed Hassan Ali Marohomsalic, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Devon Seron, Baby Go, Alvin Fortuna, Isadora, Sabrina M and Shiela Delgado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …