I-FLEX
ni Jun Nardo
MALUNGKOT ang balitang nabasa namin sa isang naging trusted na tao na balitang pumanaw na.
Sinundan din ito ng tanong kung totoong wala na ang tao. Pero ‘yung nabasa lang namin ang aming sagot.
Eh kahit malapit din kami sa taong umano’y pumanae na, ayaw naming mangahas na i-post ito sa aming social media hindi kagaya ng ibang taong mas nauuna pa silang ianunsiyo ang pagkawala ng isang tao.
Hahayaan na lang namin ang pamilya ang magbalita tungkol dito lalo na’t isang malapit din sa pamilya ang kamamatay lang.
Ipagdarasal na lang namin ang taong ito, malaki rin ang naging tulong sa amin personally and professionally.
Kilala siyang tao sa industriya kaya mababalita rin ito. Basta kami, we will cherish the memories na naging bahagi siya ng aming buhay.
Nakikiramay kami sa mga naiwan niya.