Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Jolina Magdangal

Ice muntik ma-scam ni ‘Jolina’

MA at PA
ni Rommel Placente

MUNTIK na palang mabiktima ng isang scammer si Ice Seguerra na gamit ang pangalan ni Jolina Magdangal. Ang nagpapanggap na si Jolina ay humihingi ng pera kay Ice, para pantulong daw sa mga nasalanta ng bagyong si Carina.

Buti na lang daw at naunahan na ni Ice ang scammer.

“Posting this because someone’s using Jolina’s name asking for funds.

“Buti na lang, nakausap ko agad si Mark Escueta and na-confirm ko na ginagamit lang ang pangalan ni Jolina. Ingat kayo!” ang babala ni Ice sa kanyang Facebook page.

Ibinahagi rin ni Ice ang palitan nila ng private message ng nagpapakilalang si Jolina.

“Hi Ice,

“How are you.

“I have a favor lang sana if that’s okay.

“I am collecting funds kasi right now for typhoon Carina Ph victims. Pupunta kami ng husband ko this 6pm sa Marikina to help. I just want to ask if you can give even a little extra lang to help the victims?

“Even a little to add funds lang please,” mensahe pa ng scammer.

Sinagot siya ni Ice pero alam na nitong poser ni Jolina ang ka-chat, dahil nakausap na nga niya si Mark, “That’s a good gesture. I’m helping out na rin coz I have my own org, eh!”

Hindi na nabanggit ni Ice kung sumagot at namilit pa rin ang scammer pero todo ang pasalamat sa kanya ng asawa ni Jolens sa pagpo-post niya sa FB para mabalaan ang publiko.

Thank you talaga, Ice!” mensahe ni Mark sa FB post ng mister ni Liza Dino.

Sa comments section ng Facebook post ni Ice, mababasa ang post ng Kapamilya singer na si Jed Madela. Aniya, “Nag-message rin sa akin ‘yan!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …