MA at PA
ni Rommel Placente
SA eksklusibong panayam kay Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, My Story ng GMA 7,hosted by Boy Abunda, sinagot niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mga malisyosong isyu tungkol sa pagkakaroon ng mga mamahaling sasakyan, at ang magarbong 18th birthday party noong Pebrero 2023.
Sabi ni Jillian, “First time kong mag-open up about it. First time rin na-interview about it.
“I just hope na nakikita nila na two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako.
“I think naman somehow na lahat po na mayroon ako is deserve ko through my hard work. I just hope na huwag silang masyadong maniwala sa fake news.
“Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me.
“I think medyo unfair po siya kasi sana nakikita nila na naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako [sa TV commercial].
“Hindi pa po ako nakapagbabasa, nagwo-work na ako,” giit ng dalaga.
Nagsimula ang acting career ni Jillian sa edad lima. Kabilang sa mga teleseryeng tinampukan ni Jillian sa GMA-7 noong child star siya ay ang The Last Prince (2010), Trudis Liit (2010), Jillian: Namamasko Po (2010-2011), Captain Barbell (2011), Daldalita (2011-2012), Biritera (2012), Luna Blanca (2012), Home Sweet Home (2013), One Day Isang Araw (2013), My BFF (2014), Pari ‘Koy(2015), Poor Señorita (2016), Sa Piling Ni Nanay (2016-2017), Daig Kayo ng Lola Ko (2017-2019), at Super Ma’am (2017-2018).
Nang mag-teenager hanggang sa magdalaga si Jillian ay hindi siya nawalan ng mga proyekto sa Kapuso network. Kabilang dito ang My Special Tatay (2018-2019), Prima Donnas (2019-2022), at ang kasalukuyan pa ring umeere na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa rami ng seryeng ginawa ni Jillian,ilang TV guestings, out-of-town at corporate shows, endorsements at paggawa ng pelikula, marami na rin naman siyang naipon, ‘di ba?
Sabi nga niya, “Napag-ipunan ko po lahat ng mayroon ako ngayon.”
Nilinaw naman ni Jillian na may mga nakihati sa mga gastos niya kaya naidaos sa isang five-star hotel ang kanyang debut noong nakaraang taon.
“Like ‘yung sa debut, even GMA-7, nag-share sa debut party ko. ‘Yung mga endorsement ko po, nag-share sila.
“So, kumbaga lahat ng mayroon ako, galing po ‘yan sa hard work ko talaga. Sa malinis na paraan.
“So, I find it a bit unfair. Mayroon silang mga sinasabi na walang basis talaga.
“Parang ang cruel niya po kasi underage ako tapos mayroon silang mga sinasabi na mga scandalous na mga bagay na wala po talagang basis. Sobrang fake news.
“Ilang taon ako noon? Sixteen.”
Pagpapatuloy ni Jillian: “’Yung cars ko, galing sa mga endorsement ko, sa mga taping ko.
“Ilang years na akong nagte-taping, 15 years na next year. Sa 20th birthday ko.
“Medyo nalungkot ako dahil hindi nila nakikita ‘yung hardwork ko.”