Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Tatler Dominic Roque

Bea inakalang si Dominic na ang lalaking makakasama habambuhay

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Bea Alonzo sa digital magazine na Tatler Asia nitong July 5, 2024, ibinahagi ng aktres ang pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan matapos ang break-up nila ni Dominic Roque.

Ayon sa aktres, buong akala niya noon ay si Dominic na ang lalaking makakasama niya habambuhay, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad dahil sa ilang hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi ni Bea, “I saw myself marrying this man. But sometimes, things don’t go according to plan. Sometimes God’s plan is better, and I have learnt to embrace that.”

Hindi raw naging madali para sa kanila ni Dominic ang desisyong tuldukan ang kanilang relasyon.

“Before we announced it, we had been trying to work things out for months. It’s not like it happened overnight, it was a process for both of us.

“It always takes two to tango. Sometimes relationships don’t work, and that’s fine.”

Hindi rin sinisisi ni Bea si Dominic sa naging desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya dahil alam niyang inisip lang nito ang makabubuti para sa kanilang dalawa.

Ginawa rin daw nila ang lahat para maisalba ang kanilang pagmamahalan ngunit sa huli ay napagtanto nilang hindi na ito sapat para ituloy pa nila ang kasal.

“The two people in the relationship are the only ones who know the truth. In my case with Dom, we didn’t want to get married anymore.

“We tried to patch things up, but it did not work.”

Hndi sinabi ni Bea ang mismong dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit paglilinaw niya, hindi ito dahil sa third party, na kadalasang rason ng paghihiwalay ng dalawang magkasintahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …