Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David  Licauco Boy Abunda

David umaming taken na, mas feel ang kissing over cuddling

SA guesting ni David  Licauco sa Fast Talk With Boy Abunda, marami siyang naging rebelasyon. Bukod sa pag-amin na taken na siya ngayon, may iba pang pasabog na sagot ang aktor. 

Para kay David, ang ideal age niya sa pagpapakasal ay 35 or 36 at kinikilig daw siya kapag nakikita at nakakasama ang kanyang mahal sa buhay.

Mas gusto rin daw ng Kapuso heartthrob ang “kissing over cuddling” at nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang kanyang “ideal woman to love is,” ang answer ni David, “Someone who is smart and understanding.”

Guilty” ang naging sagot ng binata nang tanungin kung naranasan na niya ang  makipag-“making out” sa loob ng sinehan at kung may ex-dyowa siyang tinawagan habang lasing.

At nagawa na rin ni David ang makipagkumprontahan sa isang tao nang dahil sa babae at nakatulog na rin daw siya ng hubo’t hubad.

Inamin din niya na may isang aktres siyang niligawan noon pero hindi niya nabanggit kung sinagot ba siya nito o basted.

Natanong din si David, kung paano siya ma-in love noong bata-bata pa siya, “When I was younger, as long as maganda, chinita, at saka masaya kausap.

“So, parang kapag masaya kausap, minsan parang feeling mo in love ka na, eh. Kapag bata ka pa, ‘di ba? Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka,” sabi pa ni David.

Pero ngayon, ibang-iba na raw ang pananaw niya pagdating sa usaping love.

I think you have to empathize with your partner and for sure marami kasing problema along the way.

“Kailangan mo lumaban, kailangan mo intindihin kung saan nanggagaling ‘yung partner mo.

“So now talaga, mas naging ano ako eh, siguro understanding. Kailangan na noon,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …