Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Aktor PH

Isang taon pagsala sa idedeklarang Pambansang Alagad ng Sining 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG bilis ng panahon. July na pala, and before we knew, maidedeklara na ngang Pambansang Alagad ng Sining ang ating pinakamamahal na Star for All Seasons, Ms. Vilma Santos-Recto.

Ayon sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts), ang komisyon na namamahala para sa aspetong ito sa ilalim ng Presidential Decree 1001 noong 1972, tatakbo ng halos isang taon ang pagsasala, pag-rerebyu, at pag-validate ng mga nominasyon sa kanilang tanggapan.

After nga ng June 30, 2024 deadline para sa lahat ng nagsumite ng nomination mula sa iba’t ibang larangan, kukuha ng non-government and non-partisan research group ang NCCA para rebyuhin, i-verify at i-validate sa loob ng anim na buwan ang lahat ng mga attachment-documents ng bawat nominee.

Kaya kung mayroong dinoktor o mga fake na paper na makita ang nasabing grupo, subject for disapproval o di kaya’y magpapahina ito ng chance para sa susunod na level.

At doon na nga papasok ang another six months na may tatlong level na pagdaraanan ang bawat na-validate na nominee sa bawat kategorya bago tuluyang may mapiling nanalo.

And after niyon pa lang isusumite ng NCCA ang resulta sa office of the President na may powers ngang mag-reject at mag-approve ng resulta na galing sa NCCA.

Ang AKTOR.ph nga ni Dingdong Dantes ang nangunang institusyon na nag-nomina kay Ate Vi kasama ang mahigit na 20 (at patuloy pang nadaragdagan) endorsement na galing sa mga grupo mula sa Academe, NGO’s, individuals, cause-oriented groups etc. Sa dami ng mga grupong nagtitiwala at naniniwalang dumating na rin ang time ng isang Vilma Santos, whose body of work, contributions, advocacies and legacies speak a lot about her being a national treasure, saan ka pa? At dahil higit pa ngang na-meet ang lahat ng criteria ng NCCA para sa naturang karangalan, sino pa ba tayo para magtaas ng kilay?

O hayan ha, malinaw ang mga prosesong pagdaraanan ng bawat nominasyon kaya ‘yung mga maiingay diyan at mga nagmamagaling sa kung paano ito pinipili, manahimik po kayo at pag-aralang mabuti ang istruktura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …