Wednesday , April 2 2025
shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng droga ni alyas Jimmy, 51 anyos,  residente sa nasabing lungsod kaya isinailalim ito sa validation.

Nang makompirma na positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang police operation laban sa suspek at sa pamamagitan ng isang undercover police ay nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P500 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 1:05 ng madaling araw sa Dalagang Bukid St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Ani Capt. Sanchez, nakompiska nila sa suspek ang nasa 4.32 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P29,376.00 at buybust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …