Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Charlie Dizon Wedding

Carlo Aquino at Charlie Dizon ikinasal na

KAHAPON ng hapon, naganap ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa pamamagitan ng isang secret wedding sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Sa report ng ABS-CBN News ilan sa mga principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Senator Bong Revilla at asawang si Cong. Lani Mercado. Kasama rin sa mga ninang sina President and CEO ng Beautederm Rhea Anicoche-Tan at Sylvia Sanchez.

Si Sue Ramirez ang maid of honor samantalang sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag ang bridesmaids. Sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista ang dalawa sa groomsmen.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, si Elisse Joson ang veil, at si Alexa Ilacad ang cord.

Bago ang kasalan, nag-post si Carlo ng tila pre-nuptial picture nila ng aktres na may caption na: “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.” 

Sinagot ito ng aktres ng, “I love  you.”

Naging pahulaan ang kasalan dahil walang pag-amin mula kina Carlo at Charlie subalit isa sa senyales na posibleng totoo ang balitang kasalan nang dumating sa Pilipinas ang mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles, California.

Nakapanayam din si Charlie noong Sabado ng gabi matapos manalong Best Actress sa 47th Gawad Urian ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula. Tinanong dito kung bakit umuwi sa Pilipinas ang kanyang magulang at sinagot nito ng, “Dahil gusto po nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …