Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

First class citizens sa PH

YANIG
ni Bong Ramos

DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first class citizen sa sarili nating bansang Filipinas.

(Matagal na po – Ed)

Ito ang inihayag ng isang eksperto batay sa kanyang nakikitang situwasyon na ng mga Intsik na ang nag-hahari at nagdadala ng martsa halos sa lahat ng kalakaran.

Umpisahan natin sa alalaking negosyo tulad ng mga higanteng mall, airlines, real estate, construction hanggang sa bigtime-gambling na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam kung ito ay legal 0 ilegal.

Maging ang politika ay pinasok na rin ng mga Intsik na hindi natin malaman kung bakit nagkaganon, saan nagmula at paanong nakalusot.

Sa lahat ng mga nabanggit na komersiyo, ang lahat ng mga naninilbihan at empleyado rito ay mga Pinoy na minamandohan na lang ng mga amo nilang mga Intsik.

Nasa kanilang mga kamay ang desisyon kung ikaw ay mananatili at magiging regular employee. Karamihan kasi sa kanila ay casual at contractual na puwede silang alisin anytime. Kesehoda ang length of service na ginugol dito.

Noong araw ay nagtitinda lang sila ng taho, ang ilan naman daw ay nagnegosyo tulad ng maliit na sari-sari store, munting eatery at ang iba naman daw ay namimili lang ng mga kalakal gaya ng bote at diyaryo.

Lumipas ang panahon, nabaliktad yata ang ihip ng hangin dahil sa lahat ng kanilang ginagampanan noong araw ay pawang mga Pinoy na ang umako at pumalit, ‘di po ba?

Ang mga inilalakong taho ay hinahango na lang natin sa kanila, halos lahat ng mga serbidora ay nangangamuhan na lang sa kanilang mga eatery at ang mga dating namumulot ng bote ay may-ari na ng mga junkshop na dinadalhan ng mga Pinoy ng kanilang kalakal.

Bukod diyan, dominante na rin ng mga Tsekwa ang gambling kasama na rito ang pambansang sabong natin. Ito ay kanilang pinangangasiwaan at sila na rin ang maintainer.

Ang kanilang mga puntos o mananaya ay Pinoy ang karamihan. Marami sa kanila ay nagumon at naging talamak hanggang umabot na masira na rin ang buhay at kinabukasan.

Naiulat din na pati mga ilegal na droga partikular ang shabu ay sa kanila rin galing. Umabot na rin daw sa puntong dito na nagtayo ng malalaking laboratoryo.

Nabalita rin na taksan-taksang mga Intsik ang nakapapasok sa Pinas lulan ng barge na kadalasang dumaraong sa Cagayan, Isabela at Aparri.

Sila raw ay nakayuko at nakasalampak lang sa loob ng barge hanggang dumating sila sa daungan o saanmang port of entry na areglado ng lahat ang kanilang dokumentong gagamitin sa Filipinas.

Hindi marunong mag-Tagalog o mag-English. Halatang-halata na purong mga Tsekwa galing sa  mainland China.

Sinasabing sila ang magsisilbing staff at empleyado sa kanilang mga gambling den at mga POGO hub samantala ang kanilang mga anak ay legal na nakapag-aaral sa kahit saang paaralan segun kung saan nakadestino ang kanilang mga magulang.

Iba rin talaga ang naturalesa ng mga Pinoy partikular ang mga taong gobyerno, pera-pera rin talaga ang lakad at wala nang iba.

Mantakin ninyong ayos ang lahat ng mga papeles na gagamitin sa ating bansa, e paanong mangyayari iyon? Super corrupt to the maximum level he he  he

Kung dumating man ang araw na tayong mga Pinoy ang mga secondary citizen, wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang kapuwa natin mga Filipino sa malaking sangay ng ating gobyerno.

Biruin niyong magiging Tsekwa na ang mga first class citizen sa sarili nating bansa, nakahihiya yata iyon, ‘di po ba? (Hindi pa ba? – Ed)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …