Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PA
ni Rommel Placente

SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi Boss, mula sa KKL Film Production at ni Rodel Bordadora, at mula  naman sa panulat at direksiyon ni Elsa Droga.

Si June ay gumaganap bilang si Bae-bi Jonas, while si Vincent ay bilang kanyang boss na si Ram.

Hindi ito ang first time na gumawa si June ng isang BL series.

Dati may nagawa na akong BL series kaso lang, hindi naipalabas. Ito bale ang first BL series ko, na ipalalabas,” sabi ni June.

Sa tanong naman kay Vincent kung may kissing scene sila ni June sa series since silang dalawa ang  magkarelasyon, ang sagot niya ay wala.

Kung walang kissing scene sa series sina June at Vincent, kakaiba pala ito sa mga BL series na naipalabas na, na ang mga bida ay may kissing or daring scenes.

Paliwanag ni Elsa, “Ang kaibahan ng BL series na ito ay, all in one siya. All in one..friends, family, love ones, career, parang connected sa totoong buhay nila ‘yung mga role nila.”

Na ayon pa kay Elsa, wholesome at may pampakilig pa rin naman ang tema ng serye.

Sa tanong kina June at Vincent, kung mabibigyan ulit sila ng pagkakataon na gumawa ng BL series, sinong sikat na aktor ang gusto nilang makaparreha, sagot  ni June ay si Piolo Pascual.

Hindi naman kaila sa atin na marami ang nagpapantasya kay Piolo. Hindi ko ma-imagine na gagawa siya ng BL series. Kasi malaking artista siya. So, mahirap siyang mapa-oo na gumawa ng BL series. Baka pumayag siya kapag sa  akin na, noh!”ang natatawang sabi ni June.

Ang sagot naman ni Vincent na gusto niyang makapareha ay si  Toni Labrusca. Gaya niya kasi ay matangkad din si Toni at mukha rin itong suplado kung titingnan.

Makakasama nina June at Vincent sina Dindo Caraig, Robic Villanueva, Gabo Barretto , Wennie Brion, Mar Soriano, Calli Fabia, Feriesa Maniaol, Harold Yumang, at marami pang iba.

Ang My Bae-Bi Boss ay mapapanood every Saturdays, 8:00 p.m. sa Youtube Channel ng KKL Film Production.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …