Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PA
ni Rommel Placente

INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla silang nagpakasal sila ni Nash Aguas noong May 18, Saturday, na ginanap sa Tagayay.  Pero walang katotohanan na may baby na sa sinapupunan ni Mika.

Ang ate ni Mika na si Angelica dela Cruz ay nag-post sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang chika na buntis ang kanyang nakababatang kapatid.

Post ni Angeliica, “My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag-post. How I wish totoo. Mika Dela Cruz [please] baby girl ah wala pa tayo babae sa family.”

Nag-chat din kami sa mommy nina Mika at Angelica na si mommy Sieglinde para tanungin  kung totoong buntis si Mika. Ang reply niya sa amin, “She is not pregnant.  She just gained weight because she was sick.”

Si Mika ay na-diagnosed na may multiple serious health conditions. At isa sa condition na ito ay ang pagkakaroon ng autoimmune disease, na nakuha niya mula sa pagkakaroon ng stress sa loob ng mahabang panahon.

O ayan, galing na mismo kay Angelica at kay mommy Sieglinde na hindi buntis si Mika. Sana ay matigil na ang tsismis na ito. 

Nagpakasal sina Mika at Nash dahil nasa right age na naman sila. Pareho silang 25 years old.  Besides, gusto na talaga nilang magsama sa iisang bubong since sobra nilang mahal ang  isa’t isa. It’s about time para magpakasal na sila, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …