Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin at Kira pumalag iginiit hindi naging sila

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinabulaanan ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang kumalat noong isyu na naging sila ng kanyang leading lady sa Chances Are, You And I na si Kapamilya artist, Kira Baringer.

Ayon kay Kelvin sa tanong kung naging sila ni Kira, “Magkaibigan po kami and were promoting our movie, magkatrabaho po kami and ‘yun po.

“Isi-share ko lang ‘yung process na nangyari, para aware kayo. Before po ‘yung call time ko, lagi po akong nagigising ng maaga, ganito po ‘yung process ko para po maintindihan n’yo.

“Kaunti lang, gigising po ako ng 4:00 a.m. kasi 6:00 a.m. ang call time namin. Noong lock in kami nagwo-workout ako. After ko mag-ensayo ng script pupunta na ako sa make up room,  kapag wala po ‘yung call ko, kakain ako roon. Inaantay ko si Kira and mine-memorize ko even her voice, the way she talks, the way she laugh, sorry totoo ‘yun ginawa ko ‘yung proseso na ‘yun para mas ma-imbibe ko ‘yung character and makabisado ko siya, para makabisado ko siya bilang katrabaho.

“And pinagkakatiwalaan namin ‘yung isa’t isa and kapag ginagawa na namin ‘yung mga eksena mas madali, mas kita ‘yung chemistry. Mas nakikita ‘yung pagiging raw ng emotions na nararamdaman, hindi siya pinipilit, ‘yung ganoon ko siya ginawa.

“At simula noong lock in namin, ganoon ‘yung ginagawa ko, walang mintis ‘yun. Kaya kung napapansin ako ng prod. ‘bat ang aga mo naman?’ Alam ng ilan ‘yan. Wala ganito lang talaga ako , siyempre hindi ko na kailangan pa nai-share, pero ‘yun ‘yung proseso ko as an actor ganoon talaga ako.”

Samantalang umayon naman si Kira sa naging sagot ni Kelvin at nagbigay din ng sagot kung naging sila ba ng aktor.

Tsika ni Kira, “I think naklaro naman po niya at nasabi naman po niya lahat. And kami pong mga actor, if you are a good actor magiging totoo talaga ‘yung mararamdaman namin. Kasi kung ganoon lang kadali ‘yung trabaho namin eh kahit sino po makakapag-acting, makagagawa ng movie.

“But it really takes a lot of guts to used your true emotions to show that to be vulnerable sa lahat ng cast, sa lahat ng productions.”

Dagdag pa nito, “And you know with Kelvin’s personality and his character and the nature of our work, it’s a beautiful love story and nangyari, and it just happen before we even know it.

“Pero we didin’t let that affect the quality of our work, we didin’t let that affect our working relationship. I think that’s really matters,” ani Kira.

Nakakikikig at nag-uumapaw ang chemistry nina Kelvin at Kira na kitang-kita sa pelikula, plus factor pa ang pareho nilang husay sa pag-arte, maging ang mga kasama nila sa movie na sina Jin Ho Bai, Tart Carlos,Anne Feo, Gian Magdangal, at Al Tantay na mahuhusay din sa pelikula.

Mapapanood ang Chances Are, You And I sa May 29 at magkakaroon ng premiere night sa May 28 sa SM Megamall hatid ng Pocket Media Productions in partnership with Happy Infinite Productions, distributed by Regal Films,

directed by Catherine G. Camarillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …