Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito ng bawat A’Tin sa Pilipinas. Nagpatikim na ang grupo ng kolaborasyon ilang linggo na ang nakalilipas, sa pamamagitan ng mga post at story sa Instagram, na nakasakay sila sa mga shopping cart ng Puregold.

Kasapi sina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin, bumida ang SB19 sa P-Pop sa ‘Pinas. Kasama sa kanilang paglalakbay ang napakarami at istriktong pagsasanay, at ngayon, kilala na sila bilang mahusay na tagapagtanghal. Ipinakikita lamang nito na susi ang talento at determinasyon sa tagumpay. Ngayon, napamahal na ang musika ng SB19 hindi lamang sa mga tagasubaybay nito sa Pilipinas, kundi sa iba pang bansa.

Subalit, nagkaroon ng mga hamon nitong nakaraang taon. Pagkatapos na ilabas ang kanilang pinakahuling album na pinamagatang Pagtatag at habang nasa una nilang world tour, nahirapan ang SB19 sa pagiging malayo sa kani-kanilang mga tahanan. Lumipat din ang grupo ng management—isang malaking hakbang sa aspeto ng pagiging malayang artista.

Hindi nagpapatinag sa mga hamon, umaasa ang SB19 na magamit ang mga karanasang ito sa paglikha ng tunay na sining. Sa kanilang kolaborasyon, hangad ng Puregold na maibahagi ang kanilang kuwentong panalo, kuwento ng pagiging malakas at matatag, para maipaalala sa lahat ng Filipino na mayroon din silang ganitong lakas at tatag.

Kasama sina Flow G, ang BINI, at ang SunKissed Lola, halimbawa ang SB19 ng paglago at pagtatagumpay ng Original Pinoy Music. Sa pangako ng Puregold na suportahan ang lokal na musika, tiyak ipagpapatuloy nito ang ganitong mga musikal na proyekto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …