Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Vhong nagpasalamat sa nakamit na hustisya

MA at PA
ni Rommel Placente

SA live presentation ng It’s Showtime noong Huwebes, nagpasalamat si Vhong Navarro sa nakamit na hustisya matapos lumabas ang hatol ng Taguig RTC, na pumabor sa kanya sa serious illegal detention case na isinampa niya laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Binasa sa korte ng Taguig Regional Trial Court ang hatol na guilty kina Cedric at Deniece, pati na sa mga kapwa-akusado nilang sina Simeon Raz at Ferdinand Guerrero, noong May 2, 2024.

Pahayag ni Vhong, “Gusto ko munang [kunin] itong pagkakataon na ito para magpasalmat.

“Of course, maraming-maraming salamat, Lord, dahil lagi Kang nakagabay sa akin.

“Sa raming pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan Ka. Ikaw naging sentro ko, at napakatotoo Mo. Kaya maraming-maraming salamat.

“And of course, maraming salamat po sa RTC Taguig Branch 153, kay Judge Bien, at sa lahat po ng staff ng court, sa ibinigay niyo pong justice sa akin, na matagal ko na pong ipinagdarasal. Salamat po ng marami.”

Pinasalamatan din ni Vhong ang kanyang legal team sa pamumuno ni Atty. Alma Mallonga gayundin ang ABS-CBN family na hindi tumalikod sa kanya.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng TV host-comedian ang kanyang manager na si Chito Rono, ang kanyang mga ka-grupo sa Streeboys,mga tagahanga, at ang kanyang It’s Showtime family.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …