Friday , November 15 2024
InnerVoices

InnerVoices lucky year ang 2024, wagi sa 14th Star Awards for Music

MAITUTURING na lucky year para sa grupong InnerVoices ang taong 2024, dahil bukod sa dami ng kanilang gigs ay nagwagi pa sila sa PMPC’s 14th Star Awards for Music para sa kategoryang Best Revival Recording of the Year sa awitin nilang Paano.

Labis-labis ang pasasalamat ng grupong Innervoices sa pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club para sa karangalang kanilang tinanggap.

Post nga ng InnerVoices sa kanilang FB Page, “Maraming salamat PMPC for the recognition you gave us during the 14th Star wards for Music for the song PAANO under the category Best Revival Recording. Father God You are truly amazing! “

Ito bale ang kauna-unahang  tropeong natanggap ng grupo sa Star Awards for Music, pero noong 7th Star Awards for Music ay na-nominate na sila para sa kategoryang Best Duo/Group Artist of the Year, pero ‘di pinalad na manalo.

Ilan pa sa  mga award at citation na nakamit na ng Innervoices ay sa 28th Awit Awards bilang Best Performance by a New Group Recording Artist, 1st WISHclusive nominee for Best Performance by a Group, at Best WISH Ballad Song.

Ang mga awit nilang Isasayaw Kita, Anghel, at Hari ay available for download sa Spotify, Apple Music, Youtube Music, Deezer at iba pang digital platforms via Vehnee Saturno Music Corporation.

 Ang InnerVoices ay binunuo nina  Angelo Miguel (Vocals), Rene Tecson (guitar), Ruben Tecson (drums), Rey Bergado (keyboard), Alvin Herbon (bass guitar), Joseph Cruz (keyboard, vocals), at Joseph Esparrago (drums, persussion, vocals).

At sa June 1 ay nasa Guimba, Nueva Ecija sila.

About John Fontanilla

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …