Friday , November 15 2024
Bidaman Wize Estabillo PMPC Star Awards for Music 

Bidaman Wize Estabillo dream come true pagwawagi sa 15th Star Awards For Music

DREAM come true para sa actor/ It’s Showtime Online host na si Bidaman Wize Estabillo ang pagwawagi sa PMPC’s 15th Star Awards for Music para sa kategoryang New Male Recording Artist of the Year para sa awiting Mekaniko ng Pusomula sa komposisyon ni Ace Dyamante at ini-release ng Star Music at Old School Records.

Ayon kay Wize, “Noong ma-nominate ako, sabi ko sa sarili, ‘okey na ‘yun,’ kasi ma-nominate ka lang sa PMPC Star Award malaking achievement na  kaya ‘di na ako umaasang mananalo at happy na ako roon.”

Pero laking gulat nito nang sabihin sa kanya na nanalo siya. “Nagulat ako, ‘di ko expected na mananalo ako. Sabi ko nga sa sarili ko dream come true, kasi pangarap ka talaga na manalo sa Star Awards. Kasi sino ba namang artist na ‘di nangarap na manalo sa Star Awards, kaya sa pamunuan ng PMPC Star Awards, maraming-maraming salamat.

“Salamat din sa composer ko kay Ace Dyamante, sa Star Music, Old School, sa ‘It’s Showtime’ family ko, sa management ko, sa mga supporter ko, sa Ka Fam  at higit sa lahat sa family ko.”

Post nito sa kanyang Facebook, “15th PMPC Star Awards for Music – New Male Recording Artist of the Year for the song Mekaniko ng Puso. Thank you PMPC for this recognition and to all the people who made this possible. Composer: Ace Dyamante, Producers: Kiko Kikx Salazar, Old School Records, Star Music PH

Special thanks to my Showtime Online U and It’s Showtime fam, B.C. Artist Agency, Polaris-STAR MAGIC, Family, friends and of course to our Almighty God.”

After winning ay nagbabalak si Wize na mag-record ng isa pang kanta bago matapos ang taon.

About John Fontanilla

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …