Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabelle Palabrica

Newbie singer na si Ysabelle gustong maka-collab si Belle

MATABIL
ni John Fontanilla

IDOLO ng promising artist at alaga ng kaibigan naming si Audie See na si Ysabelle Palabrica ang Kapamilya singer/actress na si Belle Mariano.  

Sa media launch ng debut song ni Ysabelle na Kaba na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra ay sinabi nitong bukod sa pagkanta ay gusto rin niyang mag-artista at ang Star Magic artist na si Belle ang gusto niyang maka-collab pagdating sa kantahan at  makasama sa teleserye o pelikula.

Ang Kaba ay komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at iri-release ng Vehnee Saturno Music at available na sa lahat ng digital streaming app, Youtube, Tiktok atbp..

Thankful si Ysabelle kay Maestro Vehnee dahil sa kanya ipinagkatiwala na i-revive ang hit song ni Tootsie na Kaba. Nagpapasalamat din ito sa kanyang mga magulang na sina Bingawan IloIlo mayor Mark Palabrica at Jean Magno-Palabrica sa 100% support sa kanyang pagpasok sa showbiz.

At sa April 21 ay magiging panauhin ito kasama ang mga kagrupo niyang Krazy-X sa Major OPM concert  entitled Noon at Ngayon nina Hajji AlejandroRachel Alejandro, Gino Padilla at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …