Sunday , December 22 2024
LTO Land Transportation Office

3.2-M backlogs sa plastic cards ng LTO makokompleto na

INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na makokompleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II,  muli silang nakatanggap ng 600,000 piraso ng plastic card na ginagamit sa pag-imprenta ng mga lisensiya sa pagmamaneho.

Aniya, ang paghahatid ng mga karagdagang plastic card, ay makatutugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.

“Magiging tuloy-tuloy ito hanggang kompletong mai-deliver ang 3.2 milyong piraso ng plastic cards. We expect the completion of the delivery within 45 days after the first delivery on March 25,” ayon kay Mendoza.

Una rito, ang unang isang milyong piraso ng plastic card ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitira at hindi naihatid na plastic card mula sa Banner plastic na binili noong nakaraang taon.

Isang araw matapos maihatid ang isang milyong piraso ng plastic card, agad naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.

Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na proseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …