Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casiño

Albie ‘di raw welcome sa lamay ni Jaclyn: So bakit ako makikiramay? 

I-FLEX
ni Jun Nardo

GUSTONG masubukan ni Albie Casino ang iba’t ibang roles kaya naman tinanggap niya ang Vivamax movie na Kasalo na sumalang siya sa maiinit na eksena sa baguhang si Vern Kay.

Kaya naman kung matapang sa kama ang kapareha niya, tinapangan na rin niya sa mga eksenag magpapainit ng manonood ngayong Marso 26  sa Vivamax mula sa direksiyon ni HF Yanbao.

Sa mediacon ng movie, tinanong namin si Albie kung pumunta pa siya sa burol ng yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose? Ina ng naging ex-girlfriend ni Albie ang anak nitong si Andi Eigenmann.

“I just wanna say, rest in peace Miss Jane at condolences sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado roon,” unang pahayag ni Albie.

At saka niya sinundan ito ng, “I don’t think my presence would be welcome there so bakit ako makikiramay, ‘di ba?”

Of course, nadawit si Albie kaugnay ng pagkakaroon ni Andi ng anak pero kalaunan ay lumabas na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng bata.

Ka-back to back na mediacon ng Kasalo ay ang Cheaters na bida si Angeline Aril na directed by Dustin Celestino at sa April 2 naman ang streaming sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …