Saturday , April 26 2025
Vice Ganda

Vice Ganda may patutsada sa mga reporter — kung ano-anong sinasabi, kung ano-anong tsismis ang isinusulat  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang episode ng It’s Showtime, nagbigay ng opinyon si Vice Ganda tungkol sa eulogy para sa mga namatay. Ito’y matapos siyang makiramay sa naulilang pamilya ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose sa burol nito sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Aniya, may pagkakataon na nasabi niya sa kanyang kaibigan na si Anne Curtis na parang gusto niyang magpa-eulogy habang buhay pa siya.

“Sinasabi ko nga kay Anne, eh. Parang gusto kong magpa-eulogy. Sabi niya, ‘Bakit ang morbid mo?’”sabi ni Vice sa segment na EXpecially For You ng It’s Showtime last Friday, March 8.

Patuloy niya, “Hindi, kasi kapag eulogy, ‘yung namamatay, ‘yung malalapit sa iyo na tao, pamilya mo, best friend mo, ang dami nilang sinasabing magaganda tungkol sa iyo.

“Naririnig pa ba nila? Eh, patay ka na, eh. Hindi ka na nila maririnig. Bakit hindi natin sabihin sa mga espesyal na okasyon, ‘pag birthday, ‘di ba?” ang punto ng Kapamilya TV host.

Aniya pa, “Mag-inuman tayo, tapos at saka natin sabihin ‘yung mga gusto nating sabihin sa isa’t isa, ‘yung masasarap sa pakiramdam.

“Bakit mag-aantay tayo ng eulogy? Kasi ‘pag ginagawa natin ‘yun, there are so much love left unspoken, ‘di ba? Ang daming pagmamahal na hindi nasasabi. Tapos, sasabihin na lang ‘pag kailan patay?

“Bakit hindi natin sasabihin ‘pag birthday, ‘di ba? Pangkaraniwang okasyon. Kasi nga hindi natin hawak ang bukas. So, dahil hindi natin alam kung masasabi pa natin ito bukas, sabihin na natin ngayon,” dagdag pa ni Vice.

Kasunod nito, tila may patutsada naman ang komedyante sa mga reporter, “Ako kasi parang gusto ko, hangga’t buhay ako ma-enjoy ko ‘yung puwede kong ma-enjoy kasi ‘pag wala tayo, hindi na natin mai-enjoy iyan.

“Ang dami nating sinasabing hindi magaganda sa isa’t isa. Bakit hindi natin i-try na magsalita ng magaganda, ‘di ba?

“Diyos ko! Iyong parang sa mga news, iyong mga reporter, ‘pag buhay ka, kung ano-anong sinasabi sa iyo, ‘di ba, ng mga reporter?

“Pero kapag namatay ka, ano iyan, the legend in Philippine showbiz, an icon, one of the best. Sus! Pero noong nabubuhay, kung ano-anong tsismis ang isinulat mo, ‘di ba?

“Let’s talk about love, speak about love, speak of love, speak for love, speak with love, speak to love, at kung ano mang preposition ‘yan basta may love, ‘di ba?” ang hugot pa ni Vice Ganda.

About Rommel Placente

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …