Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dominic Roque Daniel Padilla

Daniel, Dominic itinuturong mysterious “D” sa viral billboard  na ‘wag tayo mag- break’

TAWAG-PANSIN ang isang billboard sa may C5 Southbound dahil sa message na talaga namang nakaiintriga, ito ay ukol sa pagmamakaawa na ‘wag silang maghiwalay. 

Nakasulat sa sinasabing billboard, ang message na, “Wag na tayo mag-break, please”  kasama ang sad emoticon, at ang mensahe ay galing sa isang “D.”

Ipinost ito ng isang Gifer Fernandez sa social media, na mabilis nag-viral. Imagine, naka-17 million views, 382,000 reactions, 10,000 comments, at 41,000 shares ito sa Facebook.

At ang matindi pa, maraming netizens ang nag-iisip sa kung sino ang D na tinutukoy sa billboard. May mga nagsasabing hindi kaya ang D na tinutukoy sa billboard ay either si Dominic Roque Daniel Padilla? Kasi nga naman kaka-break lang ng mga ito sa kani-kanilang girlfriend. Si Dominic kay Bea Alonzo at si Daniel ay kay Kathryn Bernardo.

Habang kumakalat ang espekulasyong ito’y wala namang kompirmasyon o pagde-deny mula kina Daniel at Dominic kung isa ba sa kanila ang tinutukoy doon sa viral  billboard campaign.

Samantala, mabilis din ang netizens sa pagta-tag kay Darren Espanto, na agad namang nagbigay itong nagbigay ng kanyang reaction. “Ako talaga ‘to. ‘Di ko lang sinasabi kasi private love life ko HAHHAHAHA Kainis.”

Hanggang ngayo’y pahulaan pa rin kung sino nga ba si D sa viral billboard campaign. Ang nakatatawa lang, talagang ang lakas ng dating nito. At habang hindi naire-reveal kung sino si D, tiyak na marami pang pangalan ang magsusulputan para mahulaan kung sino nga ba ito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …