Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez

Tom sa pagbabalik-showbiz: I feel buo na uli ako

MA at PA
ni Rommel Placente

MAHIGIT dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez, na dapat sana ay two weeks lang. Nagdesisyon siyang magtagal doon para totally ay makalimot at maka-recover sa nangyaring hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Sabi ni Tom sa interview sa kanya ng 24 Oras, “Two weeks lang dapat ako nandoon. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit.”

Noong nasa America, natuto siyang magluto at maglaba ng kanyang mga damit.

Nawili rin ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine at saka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” kuwento ng aktor.

Sa pagbabalik-bansa ni Tom ay balik-showbiz na rin siya. Bukod sa mga gagawin niyang serye sa GMA 7, babalik din siya sa theater industry. Makakasama siya sa concert version ng Ibarra: The Musical, na mangyayari sa second quarter ng 2024.

I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” ani Tom.

Samantala, balik-social media na rin ang aktor ngayon kasabay ng pag-aming naninibago siya sa pagpo-post ng mga kaganapan sa kanyang personal life at career, dahil matagal din niyang hindi ginamit ang kanyang social media accounts.

Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back.

“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice rin to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …