Thursday , June 4 2026
Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may kasamang mga bagets. 

Isa raw poging bagets ang nagkuwento, pumayag naman daw siyang sumama  sa matandang showbiz gay, dahil matagal na naman silang  magkakilala at mabait naman iyon sa kanya.

Meaning, basta may kailangan siya at dumaing sa bading ilang minuto lamang ay may ipinadala na iyon sa kanyang GCash. 

Inamin din ng bagets na nauutangan niya ang bading at hindi naman siya sinisingil niyon. Kaya nang minsang yayain siya ng bading matapos na sila ay magkainuman, ang pumasok daw sa isip niya “Payback time” lang iyon.

Pagdating daw nila sa “isang malamig na lugar sa may Sta.Mesa,” akala mo raw ay halimaw na sinibasib siya agad ng matandang bading. Inunawa naman daw niya at baka nga tigang na tigang na. Pero matindi raw pala iyon, latang-lata na siya ay ayaw pa rin siyang tantanan. Pero ok lang sa bagets, after all ang iniisip niya kinabukasan naman ay bawi na ang kanyang naubos na lakas at may datung pa. Iyon nga lang nalaman ni direk kaya sa tuwing aantukin ang bagtets sa set, ang litanya ni direk “sinasabi ko nang huwag munang magpayari sa bading kung may taping kinabukasan eh.”

Nabuko kasi ang kanilang mga escapade dahil sa isa pang bagets na kasama niya sa taping at mukhang syota rin ng matandang bading. Ang buhay nga naman. Basta kasi nangailangan ng pera, hubad na agad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …