Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED R
ni Rommel Gonzales

LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan niya noong kasagsagan ng pandemya, 2021.

Iyon ang taon na sunod-sunod na pumanaw ang kuya, lolo, at ama ni Jo dahil sa Covid-19.

“Nawala po ‘yung brother ko, August 26, and ‘yung lolo ko, September 1, and ‘yung Papa ko, September 21. Same year po ‘yun.”

Sa kabila ng mga trahedyang ito, never ni minsan na kinuwestiyon ni Jo ang Diyos kung bakit sa kanya ibinigay ang mga pagsubok na ito.

Lahad ni Jo, “Hindi ko Siya kinuwestiyon kasi I have faith, and naniniwala ako na nangyari lahat kasi kailangang mangyari. 

“Sadly, kailangang mangyari sa akin. Hindi ko naman po idi-deny na nasaktan ako.

“Lagi ko rin sinasabi na alam ko po sa sarili ko na hindi na ako magiging okay like I was before. Kasi may void na, may kulang na, pero hindi ko po kinukuwestiyon.”

Sa bago niyang serye na Lilet Matias: Attorney-At-Law, unang beses na hindi kasama ni Jo ang kuya niya sa isang presscon dahil pumanaw nga ito.

Bukod pa rito, pangarap ng namayapang ama ni Jo na maging abogado siya at natupad ito ngayon kahit sa papel sa isang serye. Isang abogada kasi ang papel ni Jo rito.

I don’t think na makaka-move on ako ever. Pero ayun, kapag nalulungkot ako, ginagamit ko talaga kasi ‘yung sinasabi nga ng Papa ko, ituloy ko lang ‘yung laro ko and share po kami sa dream na ito na gusto kong maging abogado.

“Kaya noong obinigay po sa akin ito, ipinag-pray ko, na sinabi ko, sabi ko sa kanya ‘Papa, sa role pa lang naging abogado na ako ngayon,’” pahayag ni Jo sa presscon ng pinakabagong serye ng GMA.

Idinidirehe ito ni Adolf Alix Jr., mapapanood simula March 4. Kasama rito sina EA GuzmanJason AbalosMaricel Laxa-PangilinanAnalyn BarroRita AvilaBobby AndrewsLloyd SamartinoGlenda GarciaTroy Montero at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …