Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan niya ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta on national television at ang paghingi rin ng tawad, at pagso-sorry ni Gabby Concepcion

Pareho kasing naging bahagi ng buhay nina Janice at Sharon si Gabby. Unang nakarelasyon ni Gabby si Sharon. Noong naghiwalay sila, ang sumunod na naging girlfriend ng aktor ay si Janice. Pero naghiwalay din ang dalawa at nagkabalikan naman sina Sharon at Gabby at ikinasal sila. Pero after ilang taon ay naghiwalay din.

Sumalang si Janice sa Pick-a-Name game at ang unang pangalan na nabunot ay si Sharon. Dito na nga niya naikuwento ang naging “past” nila ng Megastar.

Kuwento ni Janice, “Siyempre, nagkaroon kami ng kaunting issue because of Gabby. Noong natapos na rin kami ni Gabby (nag-break), parang tapos na rin ‘yon. Pero okay naman kami (ni Sharon). I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.

And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.

“But she did apologize. Na-appreciate ko ‘yon. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.

But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabahagi pa ni Janice.

After Sharon, ang name naman ni Gabby ang nabunot ni Janice. Halatang naiilang ang aktres na mapag-usapan ang dating minamahal. Pero nilinaw niya na maayos ang break-up nila at friends pa rin sila until now ni Gabby.

Alam na natin ‘yan. Eh, ‘yan naman ang first love ko, ‘di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends.

“Minsan napagkukuwentuhan namin ‘yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya.

“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we’re friends, ‘di ba? Okay kami. Walang drama. May closure and we’re really okay,” aniya pa.

At ibinahagi na nga niya ang paghingi ng tawad sa kanya ni Gabby nang magtambal uli sila sa  pelikulang Rosenda, na ipinalabas noong 1989.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …