Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na tagahanga siya ng namayapang aktor na si AJ Perez. At ito ang dahilan kung bakit siya gumawa ng X (dating Twitter) account .

Humahanga si Liza kay AJ dahil sa husay nito sa pag-arte. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat at pagkalungkot nang malamang sumakabilang buhay na ang iniidolong aktor sa mismong araw pa ng kanyang first acting audition.

Kuwento ni Liza, “I was a huge fan of AJ Perez because I have watched him in this one teleserye called ‘Sabel.’ And it was very unfortunate that he passed away.

“And that was the reason why I created my Twitter because I wanted to have some sort of memory of him, so I followed him.

“I really wish that I could have the chance to work with him.

“The day he [AJ] passed away, I was on my way, because I lived in Pangasinan at that time and I actually passed by his accident.

“And that was the day that I auditioned for the first time ever to be, like, an artista.

“It was crazy. And I didn’t know it was him. There’s an ABS-CBN van, and it was, like, smashed.”

Nang malaman ang sinapit ni AJ, hindi napigilang maiyak ni Liza at manghinayang na hindi na niya kailanman makakasama sa isang proyekto ang namayapang aktor.

I get to my VTR, and then my road manager at the time, he was, like, ‘Namatay si AJ Perez.’ I was, like, ‘No! He can’t be dead, it’s not real!’

“And then I started crying and I was, like, ‘I wanna go to his wake.’ And then my family was, like, ‘He doesn’t know you.’

Sundot na tanong sa kanya ni Tessa, “So you didn’t get to go?”

No, because I wasn’t invited and obviously nobody knew me [that time],” natatawang sagot ni Liza.

“I just like inserted myself into their family.”

Kuwento pa ni Liza, may pagkakataon daw noog nakakatanggap siya ng mensahe mula sa X acount ni AJ matapos itong pumanaw.

Aminado si Liza na noong una ay natakot siya.

It was strange because I started receiving messages from him after he had passed away and, first, I was scared of, like, checking it because I was, like, ‘What’s going on?'”

Isang beses naglakas-loob si Liza na buksan ang messages sa kanya ni AJ.

Dito na raw niya napagtantong ang pamilya ng aktor ang nagpapadala sa kanya ng mensahe gamit ang lumang account ni AJ.

For the record, si AJ ay naging contract star ng Star Magic. At naging member siya ng Gigger Boyskasama sina Enchong Dee, Arron Villaflor, Robi Domingo, Sam Concepcion, at ang dating mga aktor na sina Dino Imperial at Cris Guttierez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …