Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Gerald Anderson

Julia takang-taka kung saan nanggaling tsikang hiwalay na kay Gerald

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Julia Barretto sa Magandang Buhay ng ABS-CBN, natanong siya ng isa sa host na si Melai Cantiveros, kung ano ang masasabi niya na palagi na lang naiisyu na hiwalay na sila ni Gerald Anderson.

Ani Julia, hindi nga niya malaman kung saan nanggagaling ang chikang hiwalay na sila ni Gerald. Bukod pa rito, parang every month na lang ay may ganitong chika tungkol sa kanilang relasyon.

Ani Julia, “Parang ganoon ang balita, every month, for how many years na talaga. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling but I think I’ll just take it as a compliment.”

Paliwanag pa ni Julia kung bakit tini-take niya as compliment ang isyung hiwalayan  nila ni Gerald, ay dahil nakagawa sila ng private bubble ng boyfriend, kaya hindi masyadong alam ng mga tao ang nangyayari sa kanilang relasyon.

I guess, that we’re able to create that private bubble of ours na hindi lang talaga nila alam masyado kung ano ‘yung nangyayari sa partnership namin.

“I think that’s also a conscious effort on our end, na talagang protektahan, na hindi kailangan mag-overshare, na hindi dapat bawat galaw kailangan alam ng lahat. 

“Siguro, that’s why they think, but happy lang,” aniya pa.

Kung hindi kasi hiwalay ang chika, inuusisa naman kung kailan balak ng dalawa na mag-settle down. 

Minsan nga ay sinagot na ni Julia ang mga nagtatanong na aniya ay mas marami pang problema sa mundo, kaysa ang usisain kung kailan nga ba sila magpapakasal ni Gerald.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …