PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAPAPA-HAY ka na lang din talaga sa mga naglabasang “fake products” ng Luxe Slim, ang pinag-uusapang brand ngayon na ini-endorse ng mga kilalang personalities gaya nina Dominic Roque, Vice Ganda, Tony Labrusca, Small Laude, Zeinab, Pau Fajardo at marami pang iba.
Worried ang mismong may-ari ng kompanyang si Anna Magkawas dahil kahit ang kanyang sariling photo at pirma ay ginagamit ng mga “online sellers” sa mga naloloko nilang clients.
Kuhang-kuha nila ang style at pag-pakete ng ilang products, though may mga differences sa font, sa pagiging glossy, at sa mismong produkto lalo na ‘yung kanilang Cafe Macchiato.
Mabisa para sa mga nagda-diet ang naturang kape plus mayroon pa itong mga benepisyo sa health and beauty.
Pinag-iingat ang mga consumer na mas maging mapanuri sa mga binibili nila sa online at i-double check ang mga site na kanilang pinupuntahan.
Kung wala pang daang libo o nasa milyon ang subscribers ng Luxeslim site, tiyak na peke raw po iyan.
May inihahanda ng legal action laban sa mga naturang fake sites and sellers.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com