Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana

Carla mananatiling Kapuso, muling pumirma sa GMA

TINULDUKAN na ang isyu na lilipat daw sa ibang network si Carla Abellana dahil sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA.

Kaya yes, tuloy ang pagigigng Kapuso ni Carla.

Ginanap ang renewal ng kontrata ni Carla kahapon, January 29 na present ang mga boss ng GMA Network na sina GMA Network’s Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Entertainment Group, Lilybeth G. Rasonable. In attendance rin siyempre ang boss ng Triple A Management’s President and CEO na si Michael Tuviera dahil co-managed nila si Carla with GMA.

Labis ang tuwa at pasasalamat ni Carla  sa patuloy na tiwala sa kanya ng GMA bilang isang Kapuso.

Lahad ng aktres matapos ang contract signing, “Kanina pa po ako nagpipigil ng iyak sa VTR pa lang.

“Today is a very special day po for me… This is very, it’s valuable po sa akin, napaka-importante po nito.

“Hindi ko po makalilimutan ito and I will take good care of it po. I will continue to grow and evolve and do my best ‘yung pagiging artista po at Kapuso. Maraming, maraming salamat po for this opportunity.”

Unang napanood si Carla sa GMA noong 2009 na nagbida sa Pinoy remake ng Mexicanovela na Rosalinda ni Thalia.

Sa serye rin ay nanalo si Carla bilang Best New Female TV Personality sa 24th Star Award for Television noong 2010.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Carla sa Stolen Life with Gabby Concepcion and Beauty Gonzalez, na susundan naman ng Widows’ War kasama si Bea Alonzo. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …