THIS Is Me, Sephy ang titulo ng kauna-unahang major concert ng Philippine’s Trans Dual Diva at napanood sa X Factor UK/ I Can See Your Voice Korea na si Sephy Francisco na gaganapin sa Rampa Drag Club sa 40 Eugenio Lopez Dr. Diliman Quezon City sa January 26, 2024.
Ang This Is Me Sephy ay hatid ng BB House Of Talentels nina Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo and Businessman & Philanthropist at siyang director ng nasabing concert na si Raoul Barbosa.
Very thankful si Sephy sa BB House Of Talents sa tiwalang ibinigay sa kanya para magkaroon ng malaking konsiyerto.
“Until now ay ‘di pa rin nagsi-sink-in sa utak ko na mayroon na akong major concert.
“Grabe, dati nanganngarap lang ako na someday magkakaroon din ako ng sarili kong concert, tiyaga lang, tiwala sa sariling kakayahan, magandang pakikisama sa industriya at paghusayan ang trabaho and soon matutupag ‘yung dream mo at eto na nga ‘yun.
“Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga nagsisilbing fairy godmother at fairy godfather ko sa industry na sina Tita Cecille Bravo. Tito Pete Bravo and Tito Raoul Barbosa na umpisa pa lang nang makilala ko ay naniwala na sa simpleng talento ko, at ngayon ay siyang sumugal para magkaroon ako ng major concert. Maraming-maraming salamat po talaga.
“Nagpapasalamat din ako sa aking very supportive family, friends and sa other family ko ang Ka Fam na grabe rin ang suporta sa akin,” ani Sephy.
Kaabang- abang ang mga pasabog na performances at line up of songs ni Sephy, plus special guest pa nito ang former Ms Saigon at isa sa pinakamahusay na singer sa bansa, si Ima Castro.
Karamihan ng susuotin ni Sephy sa concert ay gawa ng mga mahuhusay na designer sa bansa tulad nina Raymund Saul at Jiovanney Dela Cruz ng F&S Tailors, ang singer & composer na si Jopper Rilang Musical Director at Floor Director naman ay si Jeffrey Dizon.
Kaya naman tara na sa RAMPA sa January 26 sa This Is Me, Sephy major concert ni Sephy hatid ng BB House Of Talents.