Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Enrique Gil Lizquen

Enrique to Liza—I love her to death

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Huwebes, January 4, ay birthday ni Liza Soberano. Nag-upload si Enrique Gil sa kanyang Instagram story ng larawan nila ng aktres bilang pagbati sa 26th birthday nito at isang short but sweet message ang caption niya rito.

Siyempre pa, gulat ang mga tagahanga ng LizQuenn sa  birthday greetings na ‘yun ni Enrique kay Liza dahil sa balitang hiwalay na nga ang dalawa.

Ayon sa binata, mananatili siyang kakampi ng dalaga kahit ano pa ang mangyari.

Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji],” saad ni Enrique.

Noon pa man ay napapabalita nang nagtapos na ang mahigit limang taong relasyon nina Enrique at Liza dahil naging long distance na ang kanilang relasyon matapos magdesisyon ang dalaga na i-pursue ang career sa Hollywood.

Sa kabila ng hindi matapos-tapos na chika ay walang naging pag-amin ang dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pinabulaanan pa nga ito ni Enrique noong April 2023 nang tanungin siya ukol sa break up nila ni Liza.

We’re good, we’re good.

“She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good,” saad ni Enrique.

Dagdag pa niya, “Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”

Samantala, may unreleased interview daw si Liza na inamin niya na talagang wala na sila ni Enrique pero nakiusap ito na huwag nang ilabas sa publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …