MA at PA
ni Rommel Placente
SA segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You” natalakay ang usapang pampamilya. Ayon sa isa sa host nito, naniniwala siya na kung walang pera o kakayahan ang isang tao ay dapat huwag muna itong magsimula ng isang pamilya.
“This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya,”sey ng TV host-comedian.
Pagpapatuloy ni Vice Ganda, “Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain ng maayos. Sarili mo lang din ang sasalba sa ‘yo at hindi ibang tao.
“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” giit ni Vice.
Marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa pahayag ng komedyante.
“Love just ain’t enough. Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal n’yo sa isa’t isa. ‘Wag mag-anak ng marami kung hindi kaya. Tapos ‘pag walang makain, kakatok kayo sa busilak naming puso. Chz!”pagbabahagi ng isang netizen.
Comment naman ng isang netizen na against sa naging pahayag ni Vice, “Eh kung bet nilang bumuhay ng mga anak at bumuo ng malaking pamilya, huwag nating pakialaman.”
“Madali naman gumawa ng pera eh. ‘Wag na lang mag-aanak kung idadamay sa kabugukan. Haha. Kawawa lang mga bata magsa-suffer ‘di ba?” sey naman ng isa.