MA at PA
ni Rommel Placente
NAGLABAS ng saloobin sa pamamagitan ng Facebook Live ang young actress na si Francine Diaz, tungkol sa isyu sa kanya noon, na siya ang sinasabing third party kung bakit nagkahiwalay ang dating loveteam at magkasintahang sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
April 11, 2022 sinabi ni Andrea sa Facebook Live rin, na dalawang taon sila naging mag-on ni Seth at mutual decision ang kanilang break-up.
“Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw? Screen record n’yo, puwede n’yong balikan. Playback n’yo. Kasi wala talaga akong inagaw,” iyan ang malumanay ngunit palaban na hirit ni Francine.
Sinabi rin ni Francine na professional ang relationship nila ni Seth.
“Ginagawa lang namin ang trabaho namin,” aniya pa.