Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronaldo Valdez

Nagpakalat ng video ni Tito Ronaldo kasumpa-sumpa

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SADYA namang kasumpa-sumpa at nakawawala ng respeto ang mga taong nagpakalat ng video niyong pagkamatay ni Ronaldo Valdez.

Siyempre ang paghihinalaan ng maraming tao ay ang hanay ng pulisya na nag-imbestiga at gumawa ng rescue operation sa bahay ng ating minamahal at tinitingalang movie/tv icon.

Balitang may sinibak na mga pulis tungkol sa usaping ito pero para sa amin ay hindi ito sapat lalo’t habambuhay na itong nasa social media at posibleng magdulot ng dagdag na kalungkutan sa mga naiwan ni Tito Ronaldo.

May nagpadala sa amin ng naturang video at grabe ang aming galit sa aming nasaksihan. Hindi namin ito nagawang tapusin at agad din namin itong binura.

Na-cremate na si tito Ronaldo last Monday at noong Wednesday nga ay lumipad patungong Japan sina Janno Gibbs at pamilya na nakaplano ang pag-spend nila ng Christmas holidays.

Basta kami, we will always cherish and remember and be proud of the great body of work and legacy na iniwan sa ating lahat ng isang de-kalibreng aktor, mabuting tao at masayahing nilalang na si Ronaldo Valdez, ang Lolo Sir ng bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …