Thursday , June 4 2026
Bong Revilla Jinggoy Estrada Robin Padilla Lito Lapid

Lito, Bong, Jinggoy, Robin mag-aala Expendables

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ILAN taon nang hindi pumapalya si Sen. Lito Lapid na tuwing sasapit ang December ay hindi nakalilimot na mag-tender ng isang luncheon para sa mga kasamahan sa panulat. Sa pagkakataong ito lamang niya nakaka-chika ang mga kaibigan niyang press na ilan sa kanila ay matagal na niyang kakilala at nakasama noong kasikatan niya bilang action star.

Sa pagkakataong ito ay ikinukuwento niya ang mga plano at kahit nasa politika ay ang showbiz pa rin ang concern niya kasama ang mga artistang kasamahan sa senado gaya nina Sen Bong Revilla, Sen Jinggoy Estrada, at Sen Robin Padilla. May mga panukalang batas silang ginawa related sa showbiz industry. Balak pala nilang mag-produce at gümawa ng isang pelikula na magkakasama at ang kikitain dito ay makagawa sila ng isang gusali na sama-sama ang iba’t ibang sangay related sa showbiz. 

Magkakasama ang iba’t ibang taong nasa liköd ng showbiz. Sana nga matuloy ito para ang kikitain ay ipagpapatayo ng dagdag na gusali sa Mowelfund, ‘di ba bongga.

Si Sen Lito ay kasama pa rin sa Batang Quiapo na may mahalagang papel na ginagampanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …