PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
USAPANG KathNiel pa rin ang mainit na topic sa bawat sulok ng bansa.
Mula sa showbiz to sports, government offices, palengke, parlor, supermarkets hanggang sa simbahan, tila invested ang lahat sa isyu.
Bigla ngang natabunan ang mga naging isyu ng Miss Universe at ilan pang Metro Manila Film Festival (MMFF) items.
Wala ng mention ng mga dahilan ng break up pero sa dami ng mga naglalabasang names, naku mukhang aabutin pa ito ng Pasko at 2024 sa mga huntahan hahaha!
Kaya naman ‘yung companies na kinuha silang endorsers, hayun kandaugaga sa mga promo at marketing placements nila na parang may hinahabol na kung ano.