Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee

Michelle kinampihan maging ng mga de kalibre at kilalang personalidad

BIBILIB ka naman talaga kay Michelle Dee dahil kahit hindi na siya magsalita pa sa kung anumang sinapit niya sa katatapos lang na MIss Universe, maraming mga tao na ang gumagawa niyon para sa kanya.

Tanggalin na natin ang hukbong Pinoy dahil siyempre super bias na tayo for her, pero para sa iba’t ibang nationalities at mga kilalang celebrities ang magbigay ng kanilang pahayag in her favor, mapapa-wow ka na lang talaga.

She is indeed the most popular candidate in this edition and perhaps will continue to be one dahil hindi nagsisinungaling ang mga video at footage na nagpapakita ng kanyang ganda, husay, talino, personalidad, at iba pang naka-pakete sa kanya bilang isang tunay na Reyna.

Pinakabongga na sigurong celebrity na nagsabing higit pa dapat sa top ten placement ang inabot ni Michelle ay si Ronan Farrow.

Hello isang award-winning journalist lang naman siya at Pulitzer Prize winner dahil sa mga expose niya ng sexual harassment/abuse sa Hollywood. Anak siya ng mga kilalang Hollywood celeb na sina Mia Farrow at Woody Allen.

Marami pang iba from all over the globe na mahihilig sa beaucon ang nagpapahayag na na-rob nga si Michelle ng top placement sa ngayo’y sobrang kontrobersiyal na Ms. Universe.

Basta, sure na sure kaming bibigyan ng pang-reynang homecoming si Michelle pag-uwi nito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …