Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Raymart Santiago

Claudine ‘di feel makipagkaibigan kay Raymart

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS makipaghiwalay kay Raymart Santiago ay hindi pa ulit pumapasok sa isang relasyon si Claudine Barretto. At eleven years na siyang loveless, huh!

Pero ayon kay Claudine, sa mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Love/Liars, na hindi naman niya tuluyang isinasara ang 

puso sa bagong pag-ibig.

Pero kung sakaling magkakaroon uli siya ng karelasyon, dapat ‘yung guy ay mas mahal ‘yung mga anak niya kaysa kanya.

Nabanggit din niya na hanggang ngayon ay hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart.

 “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay ng delay ang deadline ni Raymart for support.

“So, he’s trying to get custody, 16 years old na si Santino and 19 years old na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody,” aniya pa.

Wala rin silang komunikasyon ni Raymart at sa korte lang sila nagkikita.

Sa mediation lang kami nagkita, pero hindi naman kami nakakapag-usap na nagkikita.”

Sa tanong kung wala na bang chance na maging friends uli sila ni Raymart, “Dati, oo, pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible. Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …