MA at PA
ni Rommel Placente
SA bagong pelikula ni Christian Bables, bading na naman ang role niya. Kaya natanong siya kung naniniwala ba siya sa paniniwala ng iba na walang gender ang pag-ibig.
Sagot ni Christian, “Walang gender ang love. Ang love ay para sa kahit na kanino. p
Puwede nga siya sa animals, eh. I also agree with Direk Andoy (Ranay, kasama niya sa pelikula) that love is for everyone, and for any one.
“Ayun yata ‘yung isa sa mga libreng bagay..bagay ba siya? O basta libre rito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal,” paliwanag pa ni Christian.
Open ba siya sa posibilidad na pumasok sa same-sex relationship?
“Kung io-open ni God ‘yung heart and mind ko for that, why not?
“Kapag dumating sa punto na kunwari magbukas ‘yung puso ko, ‘yung isip ko sa ganoong klaseng pagmamahal, buong-buong puso ko pong tatanggapin ‘yun,” ang pagpapakatotoong sagot ni Christian.