Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Sylvia Sanchez

Sylvia madamdamin ang mensahe sa kaarawan ni Arjo

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG November 5 ay birthday ni Cong. Arjo Atayde. Nag-post ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez sa Facebook account nito ng madadamdaming message para sa kanya.

Post ni Ibyang published as it is,”Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.

“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak.

“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!” 

Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako. Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako. Ahahahaha!”

“Anyway, today  is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa.

“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal ka at mahal mo ang mga in laws mo at sobbbbrang masaya ka lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine,” ang pahayag pa ni Sylvia.

Nag-thank you rin si Ibyang kay Maine Mendoza dahil nakikita niya kung paano nito mahalin, alagaan, at irespeto si Arjo bilang asawa.

“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo.

“Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde.

“Love you nak (emojis),”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …